Umapela ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo at unibersidad na pabakunahan laban sa COVID-19 ang kanilang mga frontline worker.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera sa isang press briefing nitong Huwebes, na dapat mabakunahan ang skeleton workforce ng mga eskuwelahan para hindi magkaroon ng aberya sa pagpoproseso ng mga dokumentong kailangan ng kanilang mga estudyante katulad ng transcript of record at diploma.
“`Pag hindi mo vinaccinate `yong frontliner, skeletal workforce sa universities, babagal `yong pag-issue ng credentials ng mga estudyante. Maraming estudyante ang hindi makakapag-licensure test, `di makakakuha ng trabaho,” ayon pa kay De Vera.