Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang may 20 local government units (LGUs) hinggil sa ‘Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing (IUUF) sa kanilang municipal waters.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin sila ni DILG Secretary Eduardo M. Año na palakasin pa ang pagpapatupad nila ng Philippine Fisheries Code at iba pang umiiral na polisiya para sa proteksiyon ng coastal communities at mga mangingisda sa kanilang nasasakupan, upang hindi sila maharap sa administrative sanctions.

Paalala pa ni Año sa kanila na i-exercise ang kanilang mandato at responsibilidad, sa ilalim ng Philippine Fisheries Code at ipabatid sa ahensiya ang kabuuang bilang ng mga IUUF na nagawa sa kanilang lugar, gamit ang satellite technology.

Sinabi ni Año na ang mga LGUs na nakatanggap ng warnings ay ang top 20 na may pinakamataas na bilang ng encroachment o paglabag sa paggamit ng superlight at iba pang artificial light sources, upang makapang-akit ng mga isda, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Section 98 ng Republic Act No. 8550, na inamiyendahan ng Republic Act No. 10654 o ang Philippines Fisheries Code of 1998.

Nakakuha aniya ang DILG ng impormasyon hinggil dito, sa pamamagitan ng Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS) technology, na isang satellite na kayang mag-detect ng artificial light sources o superlight. (Dolly B. Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *