WebClick Tracer

METRO

Nene inanod ng baha, bangkay na narekober

NAHULOG at tuluyang nalunod ang 9-anyos na babae, Biyernes ng hapon sa Barangay Manuel Guingga, Tugbok District, Davao City.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Police Maj. Ricky Obenza, hepe ng Tugbok Police, na si Ashley Ongco at ang 11-anyos niyang pinsan ay nasa daan malapit sa creek nang umapaw ang baha.

Natumba umano si Ongco at tinangay ng agos.

Nagsagawa naman ng search and rescue operation ang otoridad pero bangkay na nang matagpuan ang bata may isang kilometro mula sa pinaghulugan nito. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID