WebClick Tracer

NEWS

Pekeng Swab Test talamak sa mga OFW

Ni Nancy Carvajal

Nagbabala ang National Bureau of Investigation sa paglaganap ng mga pekeng COVID-free certificate matapos isang babae na patungo sanang United Arab Emirates (UAE) ang nagbitbit ng nasabing dokumento.

“Fake swab tests certificates were proliferating and mostly in possession of Filipino workers bound for the Middle East,” ayon sa isang NBI agent na pamilyar sa imbestigasyon.

Ginawa ng ahente ang pahayag matapos ha- rangin ng Immigration officers si Gretchen Ablan, 33-anyos na residente ng Ilocos Sur, na papunta sanang UAE para bisitahin umano ang kanyang mister na nagtatrabaho roon.

Hinarang si Ablan at tinurnover sa NBI-International Airport Division dahil pinaghihinalaan siyang gumagamit ng pekeng COVID-19 certificate at nagsasagawa ng misrepresentation.

May swab test report ang babae na inisyu ng Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital at nakasulat ang kanyang pangalan pero matapos tanungin ng awtoridad ay inamin niyang hindi siya sumailalim sa saan mang COVID-19 test.

“She added that the document was given to her by a woman, she met somewhere in Baclaran area.”

Naberipika rin ng NBI-IAD sa nasabing ospital na hindi nito na-swab test si Ablan at walang record ang babae sa naturang pagamutan.

Nang usisain ng NBI ang source ng mga dokumento, sinabi ni Ablan na bigay ito ng kanyang rekruter para sa trabaho sa Middle East na nakilala lamang niya sa Facebook.

Dagdag niya, wala siyang kinalaman sa preparayon ng mga travel paper dahil pinoproseso ito ng ibang tao, sa tulong ng isa pang manggagawa sa Saudi.

Sinita si Ablan matapos mapansin ng mga Immi- gration officer na ang dokumento na sinasabing nag-Binigyan ng Department of Trade and Industry ang Philippine mula sa kanyang mister sa Saudi ay mukhang ginulo at binago.

“We have no choice but to charge the woman.

She knew she was using falsified documents,” saad pa ng NBI agent.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID