WebClick Tracer

SPORTS

Clarkson, Utah Jazz sisiklab sa Game 4

Hindi pa 100 percent ang backcourt ng Utah sa NBA Western Conference semifinals.

May mild hamstring strain si Mike Conley at hindi pa naglalaro kontra Clippers.

Nakarekober mula ankle strain si Donovan Mitchell sa first round, pero hindi naman natapos ang Game 3 kontra Los Angeles dahil napasama rin ang bagsak sa fourth quarter.

Pinanood na lang niya sa bench ang 132-106 wipeout na inabot ng Jazz kina Kawhi Leonard at Paul George. Binalot ng ice ang kanang paa ng star guard, bagama’t sinabi niyang ready siya sa Game 4 ngayong araw sa Staples Center pa rin.

Lamang pa ang Utah sa series 2-1 babawiin ang momentum mula sa home team.

Mukhang napag-aralan na ng clippers kung paano pigilin si Mitchell – kapag nag-dribble na at akmang aatake ay sinasalubong agad ng dalawang defenders. Naka-30 points pa rin si Mitchell noong Game 3.

May 19 points si Joe Ingles noong huli, pero naka-9 lang si Bojan Bogdanovic sa Jazz. Malayo sa inaasahang performance ang pinakita ni Sixth Man of the Year Jordan Clarkson na may 14 points lang.

Sa kabila, may pinagsamang 65 points sina Leonard at Paul. (Vladi Eduarte)

https://www.youtube.com/watch?v=3j4Bna3hKX8

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on