Aabot sa P140 milyon ang pinsala sa mga pananim sa Maguindanao dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan na sinundan ng pagbaha, ayon sa ulat ng agriculture office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Miyerkoles.
Ayon sa awtoridad, nasa 21 bayan sa nabanggit na probinsya ang naapektuhan ng pagbaha.
Sa nasabing halag, P90.9 milyon ang mula sa nasirang taniman ng mais at P50 milyon naman sa napinsalang taniman ng palay.
Ayon kay Minister Mohammad Yacon, ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ng BARMM, pinag-aaralan na nila ang isang recovery plan para sa mga apektadong bayan. (MJD)