WebClick Tracer

LIFESTYLE

SMC bakuna rollout umarangkada na

Pormal nang inilunsad ng San Miguel Corp. ang P1 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine roll out para sa 70,000 nitong tauhan at kanilang mga kamag-anak at sa ilang mga suppliers o contractors ng kompanya sa La Salle Greenhills , Mandaluyong.

Sabi ni SMC president Ramon S. Ang, libreng pababakunahan ng kompanya ang workforce nito pati na kanilang mga kamag-anak at nais ng kompanyang damihan pa ang bakunang makukuha para maibigay sa mas maraming tao tulad ng mga konektado sa kanilang network dahil sa ganitong paraan magkakaroon ng tinatawag na herd immunity.

“This way we can help achieve herd immunity for our country, ensure that more lives are safe, and get our economy back on track sooner than later,” ani Ang.

Pag fully operational na sa Agosto ang vaccination site sa La Salle Green Hills, kaya nitong magbakuna ng 1,000 tao kada araw. Inaasahan na ng SMC na dumating ang mga bakunang binili nito mula sa Astra Zeneca at sa Moderna sa susunod na buwan.

Magkakaroon din ng vaccination sites ang SMC sa Jose Rizal University sa Mandaluyong at plano ng kompanyang maglagay ng 14 pang vaccination sites sa Laguna, Cavite, Batangas, Albay, Pampanga, Pangasinan, Isabela, Bataan, Cebu, Mandaue, Iloilo, Bacolod, Davao, at Cagayan de Oro.

Buo ang loob ng SMC na pangalagaan ang sarili nitong mga tauhan para pag dumating na ang mas maraming bakuna, hindi nito kakailanganin pang umasa sa suplay ng pamahalaan at nang maibigay pa ito sa iba.

Nasa 500 tauhan ng SMC ang tinurukan ng unang dose ng COVID19 vaccine na Sinovac sa La Salle Greenhills. (Eileen Mencias

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on