WebClick Tracer

SPORTS

Valdez nanaginip ng Olympic gold

Isang pangitain o panaginip ang magsisilbing inspirayon ni shooter Jayson Valdez sa pagsabak sa 2020 Tokyo Olympics sa Tokyo, Japan na inusog sa parating na July 23-August 8.

Ito ang sinabi mismo ng pinakahuling kumpirmadong qualifier ng bansa sa Summer Games nang maalala ang “vision” tatlong taon na ang nakalipas na nakatuntong sa Olympics at sumungkit sa asam na unang gold medal ng Pilipinas.

“Meron akong panaginip. It’s an Olympic Games, hindi ko lang alam kung anong Olympic Games ‘yun. Pero malinaw ang mukha ko dun sa panaginip and malinaw na gold medal ang hawak ko,” anang pambato ng Philipine National Shooting Association sa Philippine Sportswriters Association Forum online edition Martes.

“Nag-start daw ang competition and then natapos. Nag-finals and then medal na kaagad. ‘Yun ang mga napanaginipan ko noon,” dagdag pa ng 25 taong-gulang na manunudla sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Smart at Upstream Media. (Angelito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on