Sulyapan po natin ang mga tampok kong Pinoy-Pinay Olympic archer para sa isyu ngayon ng TP na patuloy na tumatalakay sa ating mga naging Olympian.
Sila po ay sina Basilisa Ygnalaga na sinilang noong June 30, 1967, at Francisco Naranjilla na ipinanganak noong June 5, 1932 at namatay noong May 2003.
Naging pambato ng ‘Pinas o National Archery Association of the Philippines ang may taas na 5-foot-4 na si Ygnalaga sa 24th Summer Olympic Games 1988 sa Seoul, South Korea sa women’s individual recurve archery.
Pumuwesto siya sa ika-49 mula sa 62 mga kalahok nang makapalaso ng 1182 points.
Bet ng mga Pinoy naman si Naranjilla sa ika-20 edisyon ng quadrennial sportsfest noong 1972 sa Munich, Germany.
Pumusisyon siya sa ika-37 buhat sa 55 mga pumana sa pamamagitan ng 2228 markers.
***
Hayaan po ninyong i-greet ko ng advance happy 17th birthday ang aking panganay na anak na si Raniel Endaya Cruz ng Pasig City at GMA, Cavite na magdiriwang sa Biyernes, June 25.
At sa mga may nais pong itanong o isuhestiyon sa kolum na ito, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com.
God bless us all.