WebClick Tracer

NEWS

73 pasyente buwena-mano sa COVID field hospital

Nasa 73 pasyente ang buwena-mano sa bagong bukas na Manila COVID-19 Field Hospital na katumbas ng 21 porsiyento ng 344 bed hospital na matatagpuan sa Burnham Green area sa Luneta Park, Ermita, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang 73 pasyente ay dadalhin sa pagamutan nang kada batch.

Ang mga pasyente ay mula sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod ang para gamutin sa kanilang mild hanggang moderate symptoms ng COVID-19.

Nabatid na dahil sa MCFH, na pamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez, inaasahan ang pagluwag ng mga pagamutan sa Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on