Inamin ni Nadine Lustre na naging napakahirap sa kanya noong mga panahong nagsisimula pa lang siya dahil hindi raw niya kayang tumanggi or mag-no sa mga tao.
“In the beginning, nun’g nagsta-start pa lang ako, well, Diary ng Panget, ang ‘yung mga movies namin, ‘yun talaga ‘yung time na hindi mo pa kayang mag-no sa mga tao. So, lahat ng ino-offer sa ‘yo, yes lang nang yes,” pagbabahagi niya sa panayam sa kanya ng TV5 reporter na si MJ Marforie uploaded on her YouTube vlog.
“Hindi na ako magsisinungaling. Sasabihin ko na na sobrang napagod ako talaga. And at some point, na-depress din ako kasi parang sabi ko sa sarili ko, ‘ano ba ‘tong ginagawa ko?’
“Kasi, may mga bagay na ginagawa ako noon na hindi ko talaga gustong gawin. But because, alam mo ‘yun, ‘yung mentality na nandito na ko, eh, kung aatras pa ‘ko, di ba, baka mawala,” patuloy ng aktres.
Ikina-frustrate rin daw niya na may mga oras ding hindi siya naiintindihan ng mga tao kapag may sakit siya halimbawa at hindi pumayag na makapag-picture at masasabihan na agad siya na suplada.
“Kasi may nga tao na hindi nakakaintindi na tao ka rin, na you know, nagkakasakit ka rin, minsan, hindi ka rin okay and all of that,” sey niya.
But eventually, aniya ay natutunan na rin niya to say no to a lot of things.
“And hindi rin naman ako magsisinungaling na ‘yung mga times na pinagdaanan ko, ano talaga siya, essential talaga siya for my growth and I’m not ashamed of it,” she said.
But looking back, talagang hindi raw niya makakalimutan ‘yung time na sobrang depressed and lost siya.
“Feeling ko talaga, end of the world na. I think (it was) 2015, sobrang ano ‘yun. Naalala ko, nag-Korea kami nu’n kasama ko si Yassi Pressman. Then sabi ko talaga, parang ayoko nang bumalik.
“Kasi, sobrang lost ako nun’g time na ‘yun. Parang hindi ko na alam kung anon’g gusto ko. Alam mo ‘yun, parang sobrang numb na ‘ko, sobrang parang jaded na ‘ko sa life, para ‘kong robot,” kwento ni Nadine.
And because of the pandemic, nagkaroon daw siya ng time to reflect, to reassess her life at isipin kung ano ba talaga ang gusto at ayaw niyang gawin.
“Na-realize ko na alam mo, hindi na ako makikinig sa ibang tao. Basta ili-live ko ‘yung life ko,” sey ng aktres.
Willie nagkasugat ang lalamunan
Dahil na rin sa araw-araw na pagho-host sa loob ng maraming taon ay nagkakaroon na ng problema sa kanyang boses si Willie Revillame. Kapansin-pansin nga na namamalat at paos ang boses ng TV host lately kaya nagpakonsulta na raw siya sa doktor.
“Nagtanong ako sa doktor, parang may sugat na raw ‘yung throat. Kailangan, ipahinga,” sey ni Willie sa recent episode ng Wowowin.
Pagbibiro pa niya, “wala naman akong nahahalikan, ba’t nasusugatan ako.”
Biniro rin siya ng kaibigang si Randy Santiago na “actually, ‘yung nasusugatan talaga, ‘yung puso mo, hindi naman ‘yang lalamunan mo.” Na sinagot naman ni Willie ng “luma na ‘yan, eh.”
At any rate, kailangan nga sigurong ipahinga ni Willie muna ang kanyang boses at ‘yun din ang payo sa kanya ni Randy.
Catriona iniyakan ang pag-iwan sa magulang
Umalis na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Australia kung saan ay mahigit isang buwan din siyang nanalagi para makapiling ang kanyang magulang na matagal na niyang hindi nakikita.
Matatandaang umalis patungong Australia si Catriona noong Mayo to be reunited with her family. Ipinost pa niya noon ang kanyang pag-alis at excited na excited siya.
During her stay in Australia kung saan siya ipinanganak ay ipinopost pa ni Catriona ang kanyang mga bonding moments with her parents.
But nitong nakaraang Biyernes ay nagpaalam na ang beauty queen at kailangan na niyang umalis muli. Sa kanyang IG post ay naging emosyonal si Catriona na maghihiwalay na naman sila ng magulang at hindi raw niya alam kung kailan sila magkikitang muli.
“What saying goodbye looks like.
“When I said goodbye to my parents at the airport, underneath my mask I kept smiling. Although it trembled. I didn’t want them to see. We hugged saying “see you soon”. But this pandemic makes a once easy thing such an uncertainty…when?…how? When will we be together again?
“I felt the emotions spilling over but didn’t want them to see, so as I rounded the corner through the passenger terminal finally out of their sight, I let the tears come,” bahagi ng madamdaming caption ni Catriona.
Malungkot man sa kanyang pag-alis ay thankful naman si Catriona na nakapiling niyang muli ang parents.
“I contemplated whether or not to post this. But this is something raw and real. I’m so grateful for the time I had with my family. And now it’s back to counting down the days, the sunrises, the sleeps until we’re together again,” aniya.
Mensahe niya sa kanyang followers, “please never take time with your family or loved ones for granted, so many of us wish to have that reality everyday.”