WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

John Lloyd umapir sa b-day ng anak

Bakas na bakas ang kasiyahan kay John Lloyd Cruz na kapiling niya ang anak na si Elias Modesto sa 3rd birthday ng bagets.

Naka-post sa official fanpage ni Lloydie sa Facebook kahapon ang mga larawan ng mag-ama as the kid celebrated his birthday.

Sa mga larawan ay makikitang ipinaghanda pa ni Lloydie ng balloons and cakes ang anak with a Spider Man motif.

Sa isang photo ay masayang nakatitig si Lloydie kay Elias habang tuwang-tuwa ang bata sa kanyang celebration. May larawan ding karga-karga ng aktor ang anak at kitang-kita talaga ang kanyang happiness.

Pinuri naman ng mga netizen ang sweet ang touching and sweet moments ng mag-ama na magkasunod lang pala ang kaarawan. Matatandaang nag-celebrate rin ng kanyang birthday si Lloydie last June 24.

Ang ina naman ni Elias na si Ellen Adarna ay nag-post din sa kanyang Instagram Story ng pagbati sa anak. Sa isang video ay makikitang may gift ang fiancé niyang si Derek Ramsay sa bagets.

Willie naka-bonding ang 3 anak

Ang sweet naman ni Willie Revillame na ipinasundo pa isa-isa ang 3 niyang anak para makapiling niya ang mga ito noong nakaraang Father’s Day.

Makikita sa latest vlog ng panganay na anak ni Willie na si Meryll Soriano ang bonding moment ng magkakapatid sa kanilang ama na ginanap sa private resort ng TV host sa Puerto Galera.

Sa naturang vlog ay ipinakilala ni Meryll (38 years old) sa publiko ang kanyang 2 kapatid na sina Marimonte Shantelle (18 years old) na anak ni Willie sa isang non-showbiz girl from Baguio City at si Juan Emmanuel or Juamee (15 years old) na anak naman ng TV host sa dating asawang si Liz Almoro.

Bukod sa 2 kapatid ay kasama rin nila ang 2 anak ni Meryll na sina Eli at Guido. Halos kumpleto sila at ang wala lang ay ang isa pang anak na babae ni Willie na ayon kay Meryll ay hindi nila nakakasama.

Bukod sa bonding moments nila ay nagpa-house tour din si Meryll sa napakabonggang rest house ni Willie at may yacht tour din kung saan ay ipinakita naman nila ang kabuuan ng yate ng TV host.

“Today’s Father’s Day, nandito kami sa Puerto Galera, nandito kami sa resort, kasama ko si Juamee at isa kong anak pa. Kumpleto pero wala akong kasama, walang chicks. Walang nagmamahal. Pero nandito naman sila,” sey ni Willie.

“Kami muna,” sambit naman ni Meryll.

Sa nasabing vlog ay inilarawan nina Marimonte at Juamee ang bonding moments nila sa kanilang ama na regular nilang nakakasama.

Ani Juamee, madalas daw niyang binibisita ang ama. “Minsan dito, minsan sa Tagaytay, and I get to bond with him through boating, jet ski, sometimes when he drives this (chopper) coz he’s a pilot na, he’s certified.”

Si Marimonte naman since nasa Baguio siya at nag-aaral, madalas ay sa chat sila nagko-communicate ng kanyang Papa.

“But during my vacation, I go to spend time with him and spend time in Ayala together,” sey ni Marimonte.

Hirit naman ni Juamee, “guys, isa pa, pumupunta ako rito pag nag-aaway kami ng mommy ko. Joke lang!” sabay-tawa.

Makikita rin sa vlog ang magandang samahan ng tatlong magkakapatid kahit na magkakaiba ang kanilang ina. Sey nga ni Meryll, since 13 years old na ang panganay niyang anak na si Eli, parang kapatid din ang turingan nito with his tito and tita dahil nga laging magkakasama ang mga ito while growing up.

Ayon kay Meryll ay sobrang saya niya na nagkasama-sama sila sa espesyal na okasyon na iyon.

“Para matuloy ito, pinasundo ni Papa si Marimonte, ako at saka si Juamee,” sey ni Meryll.

Sa comment section ay pinuri ng mga netizen si Willie sa pagiging mapagmahal at responsableng ama, gayundin ang magkakapatid sa pagiging humble at mababait na anak.