Kada karamdaman, may kaakibat na solusyon, magingkonserbatibo o agresibo. Hindi lahat kinakailangan mauwi sa operasyon. Hindi din naman lahat nakukuha sa gamot lamang. Kaya paulit ulit nating pinapayo na kung may kakaibang maramdaman na hindi nawawala sa kaunting pagpapahinga, ay agad agarang ipatingin at ipakonsulta sa isang doktor sa lalong madaling panahon. Kung ang karamdaman ay makukuha sagamutan, mabuti naman at ito ay ang pinaka simpleng magagawa. Ngunit kung matindi talaga ang karamdaman, at walang ibang alternatibo, maaaring ang natatanging solusyon ay operasyon o surgery. Mga halimbawa nito ay ang apendisitis at ang mga problema sa bituka. Ganoon din kung buto ang natamaan.
Kadalasan kapag naoperahan ang buto, may kaakibat na bakal o implantation devices na inilalagay para sa pagpapatibay ng bahaging naapektuhan. Mayroong mga plates and screws, cerclage wires at tension bands, intramedullary nails, spinal implants, at may mga malalaking joint implants gaya ng mgaginagamit sa tuhod at pige, na nasa loob ng katawan. Mayroondin sa labas gaya ng mga external fixators. Iba’t iba ang mgamateryales. Madalas ay surgical stainless steel. Ang iba ay titanium, polyethylene plastic, methlmethacrylate cement, patina ceramic. Kung tumibay na ang buto na apektado, magandangpaghilom, pwede nang tanggalin ang mga ito sa loob ng isa’tkalahati hanggang dalawang taon. Ngunit may mga pagkakataonna hindi na tinatanggal ang mga ito o di kaya, ayaw nangipatanggal ng pasyente dahil panibagong operasyon, panibagongkirot at pananakit ang mararamdaman, at higit sa lahat, panibagong gastos. Kung ganito ang kalagayan, inoobserbahanna lang ng masinsin ang pasyente.
Alalahanin natin na ang mga devices na ito ay kinokonsidera naforeign body. Kung kaya’t ang posibilidad at peligro ng impeksyon ay mataas. Hindi naman ibig sabihin na may bakalay agad agad magkakasakit. Posibilidad lamang ito.
Ang mga sumusunod ay ilan sa payong ibinibigay kapagnaoperahan, lalong lalo na kung may bakal sa katawan. Pagkatapos maoperahan, paguwi, ay magpahinga ng lubos. Huwag biglaang kumilos, lalong huwag magbubuhat. Huwagmagmaneho muna. Huwag mag sports, maliban sa mgaehersisyong itinuro ng doktor o physical therapists. Nais namanng mga doktor ang makagalaw agad, hinay hinay lang muna. Huwag manigarilyo, uminom ng alak at gumamit ng bawal nagamot. Ang mga gamot ay limitado sa mga irineseta. Maaaringkabilang dito ay ang antibayotiko, gamot para sa kirot at mgabitamina. Uminom at kumain ng wasto at huwag kakalimutan nabumalik at bumisita sa seruhano para sa follow up.
Kung matagal nang naoperahan at may bakal pa din, mahalagaang alagaan ang sarili at sa sandaling may maramdaman, gayang ubo, sipon, hirap sa pagihi, may pigsa o sugat ay kumunsultaagad. Kahit dadalaw sa dentista, at kung may gagawin ay sabihan na may bakal sa katawan. Lahat ng ito ay para mabigyanng nararapat na antibayotiko. Dahil kahit saan man ang problema, malapit o malayo man sa lugar na naoperahan, maaaripa din ito ay takbuhan ng mga bakterya.
Hindi kayo pababayaan ng inyong seruhano, kaya’t regular siyang puntahan pag naoperahan.
Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib saDWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.