WebClick Tracer

OPINION

Walang kokorap!

Sabi nga nila, ang politika at showbiz ay magkakambal.

Politiko ka man or sikat na personalidad sa larangan ng showbiz at sports, tiyak naaaliw ang publiko.

Nakakatawa o nakakatuwa. Pansamantalang nakalimot si Juan Dela Cruz sa permanentemg problema – kahirapan, kagutuman, kawalan ng bubungan at pagkakakitaan at ngayon isama pa ang pandemic dulot ng COVID-19.

Ang pinakahuling komedya at moro moro ay ang word war sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao tungkol sa isyu ng katiwalian.

Kailangan pa bang magbidahan ng dalawang ito sa usapin ng korapsyon?

Ilan na ba ang aking na-SINO na sinibak sa puwesto ni Duterte o kaya ay inilipat lang ng departamento o ahensiya?

Ang hindi matanggap ni Duterte ay ang naging pahayag ni Pacquiao na tatlong beses na mas malala ang katiwalian sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa buong mundo, walang gobyerno na 100% na malinis o walang iligal na palitan ng pera. Halos lahat ay may personal na interes.

Pero dito muna tayo sa Pilipinas. Ang katiwalian ay hindi na mawawala. Tila may punto si Pacquiao na lalong lumala ang korapsyon.

Marami ang masasabing willing victim o walang magawa kundi ang magbigay ng grease money kaysa naman ipasara ng gobyerno ang kanilang negosyo. “Matinding gumanti ang gobyerno. Nasa kanila ang lahat ng resources. Paano naman ang maliit kong negosyo,” ayon sa isang negosyanteng nagsumbong sa akin pero ayaw naman lumantad.

Pero kaya bang sibakin ni Duterte ang ilang governtment official na malapit sa kanya na nadadawit sa katiwalian?

SINO? Sino ang government official na nanggigipit sa ilang pribadong kompanya kapalit ng pagbibigay ng pera sa kanya? Ayon sa aking surot, ang naturang government official ay nagpapagawa ngayon ng malaking mansyon sa lalawigan sagot ng mga pribadong kompanya na umaasa sa pagbibigay niya ng lisensya. CLUE: Bull Shit! 😎

Isa pa. SINO? Sino’ng government official ang pinulong ang ilang ‘kontratista’ at humihingi ng 40% commission kapalit ng multi milyong piso na ‘ghost project’? Nagdeklara na rin siya na tatakbo sa Senado. Matalo o manalo (na malabo talagang mangyari) ay may pabaon ng P400 milyon. CLUE: Winner!!!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on