WebClick Tracer

SPORTS

Sotto, Gilas sabak sa 6 FIBA qualifier

Kababalik bansa lang Sabado mula pagkakampanya sa International Basketball Federation Olympic Qualifying Tournament 2020 sa Belgrade, Serbia, magiging sobrang busy ang Gilas Pilipinas sa pagsabak sa anim na FIBA World Cup qualifying window patungo sa pagko-co-host sa 19th quadrennial hoopfest sa 2023.

Ito ang isiniwalat Sabado ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. chairman emeritus Manuel Pangilinan kay Joaquin Henson sa Basketball Republic.

“It’s a busy and tough road ahead for Gilas,” bulalas ng opisyal ng national cage body sa Nationals na nabigong mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

Ito’y makaraang matalo ang world No. 31 Pinoy quintet sa No. 5 Serbia noong Huwebes 83-76 at sa No. 9 Dominican Republic Biyernes 94-67.

Mag-uumpisa ang FIBA qualifying event sa November 2021-February 2023 sa pagpapalakas ng national squad para sa 2023 World Cup kung saan pasok na sa 32-team tournament proper kasama ang co-host Japan at Indonesia (provisional).

Posible ring lumahok ang PH 5 sa Philippine Basketball Association bilang paghahanda naman sa 30th FIBA Asia Cup 2021 sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 17-29. (Angelito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on