Inatake ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang bahay ni Haiti President Jovenel Moise nitong Miyerkoles ng madaling-araw, ayon sa interim prime minister ng nasabing bansa.
Sa BBC report, sinabi ni Interim Prime Minister Claude Joseph na napatay sa pag-atake si Moise habang sugatan naman ang first lady nito.
Naninirahan ang mag-asawa sa kabeserang Port-au-Prince.
Magugunitang Pebrero 2017 nang umupong Haiti president si Moise, 53-anyos.
Ngayong 2021, nagkaroon ng malawakang protesta laban kay Moise at nagde-demand ang mga tao ng pagbibitiw niya dahil sa korapsiyon at lumalalang kahirapan. (Issa Santiago)