WebClick Tracer

NEWS

Hindi ko tinalikuran ang Amerika – Digong

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito inabandona ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Inihayag ito ng Pangulo sa pulong ng PDP Laban kung saan siya ang tumatayong chairman ng partido.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang foreign policy nito ay neutral kaya nakipagkaibigan ito sa China at hindi nito pinuputol ang relasyon sa Amerika.
“That is what the PDP stands for. It stands for our country that is really free from intervention. Kaya ako nag-neutral, so I made friend with China but I never abandoned our relationship with America. Wala naman akong sinabing masakit sa kanila,” anang Pangulo.
Pero ang malinaw aniya ay ginagawang battleground ng mga Amerikano ang bansa sa halip na gamitin ang kanilang mga estado.
Ito aniya ang dahilan kaya neutral ang Pilipinas sa lahat ng bansa, gaya ng China at Russia. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on