WebClick Tracer

NEWS

Manila field hospital 100% tagumpay

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na 100% tagumpay ang operasyon ng Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) buhat ng magsimula ang operasyon noong Hunyo 25.

Pinasalamatan ni Moreno si Dr. Arlene Dominguez, director ng MCFH, pati na rin sa mga doctor, nurse at staff na nasa likod ng matagumpay na operasyon sa pangangalaga ng mga pasyenteng may COVID.

Nalaman na sa 344 COVID beds ng MCFH, 65 lamang nito ang okupado na katumbas ng 19% oc­cupancy rate.

Nabatid na hanggang noong Hulyo 9 simula ng mag-umpisa ang pandemya ang kumpirmado kaso sa lungsod ay nasa 1,150, may 64,336 recoveries habang 1,227 ang nasawi.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang naman na na-swabbed ay 130,747. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on