WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ronnie niregaluhan ni Kris

Sa vlog ng Loinie, ipinasilip ni Ronnie Alonte ang kanyang man cave na ipinagawa sa kanilang bahay sa Laguna.

Ayon kay Ronnie, matagal daw niyang inisip kung ano ang gagawin sa ekstrang espasyo sa kanilang bahay.

Naisip daw niyang gawing man cave ito para may lugar siya na puwedeng mag-hangout kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa labas kasi ng bahay nila ay mayroong maliit na basketball court na nakakapaglaro siya.

Naisip din daw niya ang indoor sports at activities na mapaglilibangan sa panahon ng pandemya.

Proud din niyang ibinahagi ang mala-arcade gaming machine na regalo sa kanya ni Kris Aquino.

Ang artworks naman ng interior ng kanyang man cave ay dinisenyo ng kanyang mga kapatid.

Hindi pa raw tapos ang kanyang man cave dahil natigil ang konstruksyon nito dahil sa pandemya.

Happy naman siya dahil ang man cave ay nagsilbing venue ng kanilang vlog ng nobyang si Loisa Andalio.

@@@

Alice nadukutan sa mall

Nagkuwento si Alice dixson ng kanyang hindi makakalimutang karanasan na naganap noong nakaraang linggo.

Nadukutan raw siya sa isang mall sa Greenbelt habang siya ay nagsa-shopping.

Modus operandi raw ito ng apat hanggang anim na babae kung saan binangga siya ng dalawa habang sinasalisihan naman siya ng iba.

Ang nawala raw sa kanya ay ang kanyang cellphone na naglalaman ng kanyang photos at videos.

Paliwanag pa niya, nai-report na raw ang nasabing pangyayari at iniimbestigahan na.

Dahil sa unfortunate incident na ito sa aktres, hindi napigilang mag-react ng mga netizen.

Hirit ng iba, may signos daw o malas ang aktres sa mall?

Matatandaang naging urban legend noon ang umano’y tsismis na biktima raw si Alice ng taong ahas sa isang mall noong dekada 90.

Heto ang ilan sa kanilang komento.

“Dati nahulog sa dressing room dahil may nagkagustong ahas. Ngayon, pickpocket naman. May malas talaga sya sa mga mall, ano?”

“Laging may unforgettable experience sa mall si Ate Alice”

“Ang dadami talaga mandarambong ngayon dahil sa hirap ng buhay kaya dapat triple ingat mga baks!”

Si Alice ay gaganap na isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa GMA-7 teleseryeng Legal Wives.