Sa pagkakaroon ng complete training facility sa Silliman University, ang Dumaguete City sa Negros Oriental ang kinikilalang ‘Archery Capital of the Philippines.’
Siyam na ang naging Olympic archer ng ‘Pinas sa Summer Olympic Games – mula sa 1972 Munich, 1988 Seoul, 2000 Sydney, 2004 Athens, 2008 Beijing at 2012 London Olympics. Karamihan sa PH bow and arrow specialists na sumabak sa quadrennial sports festival ay buhat sa Dumaguete.
Ilan mula sa ‘City of Golden Friendship’ na nakoberan ng inyong lingkod ng dalawang beses sa South Korea o kaya sa mga kompetisyon na sa ‘Pinas ay sina Roel Merto (1988), Jennifer Chan (2000), at Mark Javier (2008-12).
Pero kahit maraming taga-Dumaguete ang naging Olympian archery, ang pinakamahusay na Olympic archer ng bansa ay wala sa nasabing lungsod, kundi nasa Maynila sa katauhan ni Jasmin ‘Mengie’ Laranan Figueroa-Dungca na tubong Tondo, may apat na supling na ang ngayo’y 36 mamamana.
Kino-coach ni Henry Manalang, tumapos si Figueroa-Dungca na 27th overall sa 2004 Athlens Games recurve archery women’s individual, ang best-finish ng isang Pinoy o Pinay sa Olympics.
Umupo siyang 56th sa ranking round 72-arrow sa score na 600, sinilat pagkaraan si ninth-ranked Natalia Valeeva ng Italy sa 18-arrow match, 132-130, para umabante sa last 32. Nabigo siya kay No. 24 Almudena Gallardo ng Spain, 152-150 in the regulation 18 arrows.
Nang panahong iyon, si Valeeva ay five-time world champion na at double-bronze medalist sa 1992 Barcelona Olympics.