Mahigit isang taon nang nakikipaglaban ang buong mundo sa banta ng Covid-19 pandemic. Hindi pa rin tuluyang matuldukan ang pagkalat ng virus na ito lalo pa ngayong iba’t ibang Covid-19 variants ang nadidiskubre. Isa na rito ang pinangangambahan ng maraming bansa kabilang na tayo rito sa Pilipinas, ang Delta variant.
Pero ang mas mapanganib, ang pagkalat ng maling impormasyon sa gitna ng pandemyang ito. Dahil sa kawalan ng tamang kaalaman, nalilito at nababahala ang publiko sa sintomas, transmisyon, at mga paraan para maiwasan ang virus.
Ano ang pinagkaiba ng pangkaraniwang ubo sa ubo na sanhi ng SARS-CoV-2 virus? Nakakagaling ba ng COVID-19 ang tuob? Makatutulong ba ang over-the-counter (OTC) drugs? Ilan ito sa mga sinagot na tanong sa Kwentong Viral News Webinar na ginanap ng Solmux Advance kamakailan.
Ang pag-ubo ay natural na paraan ng katawan para ilabas ang mga elemento tulad ng usok, alikabok at ibang nakakairita sa ating daluyan ng hangin sa lalamunan at baga. “Essentially, ang ubo ay senyales na may underlying [na problema] or meron tayong ibang sakit.” sabi ni Dr. Earl Sempio, Biochemist at Pulmonologist.
Ang acute infectious na ubo ay sanhi ng bacteria at viral infection na karaniwang may kasabay na lagnat, pananakit ng katawan at ibang sintomas ng impeksyon.
Kabaligtaran ng mga maling impormasyon, walang iisang indikasyon na ang isang ubo ay sanhi ng COVID-19 o hindi. “Mahirap sabihin na ‘yung ubo is due to COVID-19. Ang importante kapag nagka-ubo ka, protect others. Mag-isolate na kayo muna,” sabi ni Dr. Joseph Adrian Buensalido, Infectious Diseases Specialist. “Kahit ang doktor hindi namin masasabi kung COVID-19 ‘yan unless mapa-test natin.” dagdag pa ni Dr. Buensalido.
Ang mga kaso ng COVID-19 ay maaaring mild, moderate, severe o critical depende sa tindi ng sintomas.
Inihalintulad ni Dr. Buensalido ang mild COVID-19 sa pangkaraniwang sipon o trangkaso na maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng tamang pahinga at pag-inom ng maraming tubig. Pero kailangan ang tamang isolation ng maysakit para maiwasang mahawa ng virus ang ibang kasama sa bahay.
Over-the-counter medicines tulad ng carbocisteine ay makakatulong na maibsan ang sintomas tulad ng ubo na makapal at mahirap ilabas ang plema. Ang mga supplement tulad ng Zinc ay maaaring magpalakas ng immunity para labanan ang mga virus at bacteria.
Pinaluluwag ng mga mucolytic tulad ng carbocisteine ang paghinga sa pamamagitan ng pagpalabnaw ng malagkit na plema para mas madaling iubo. Sinabi ni Dr. Gwen Agra, Internist at Pulmonologist, ang isang pag-aaral kung saan nakitang ang carbocisteine ay nakapipigil sa pagdami ng rhinovirus (common cold) sa human airway cells at binabawasan ang inflammatory chemicals.
“Ibig sabihin meron din siyang konting anti-inflammatory effect at nakakatulong din siyang magsuppress ng virus hindi lang sa common cold, meron din sa influenza,” dagdag ni Dr. Agra.
Ang Zinc naman ay mahalaga para sa paglakas ng immunity. Sa katunayan, may mga pag-aaral na nakitang napapagaling ng Zinc ang common cold dahil sa pagpapalakas ng immunity o naturalesa ng katawan.
“Nababawasan niya ng mga dalawa hanggang tatlong araw ‘yung illness. At ang Zinc, magaling siya actually sa viruses kasi ang number one cause ng karaniwang sipon ay rhinovirus at ang number two, even before the pandemic, ay coronavirus,” paliwanag ni Dr. Buensalido.
Ang mucolytic at anti-inflammatory properties ng Carbocisteine kasabay ng Zinc para sa immunity ay malakas na kombinasyon laban sa ubo na sanhi ng virus.
Sa isang lokal na pag-aaral na ginawa ni Dr. Agra at ng kanyang grupo sa mga pasyenteng may non-bacterial na ubo, nakitang sa kombinasyon ng Carbocisteine at Zinc bilang gamot ay nabawasan ang tindi ng ubo ng virus sa loob ng 3 araw at tuluyang gumaling sa loob ng 5 araw kung ikukumpara sa 10 hanggang 14 na araw na paggaling.
Ang sa akin lang, importante pa ring magpakonsulta sa eksperto sakaling makaramdam ng alinman sa mga sintomas ng Covid-19 gaya ng ubo. Huwag magself-medicate para maiwasan ang lalo pang paglala ng kondisyon.