WebClick Tracer

SPORTS

Meneses umangas, nilagot ang PLDT

Tinuloy ni Marivic Velaine ‘Ria’ Meneses ang ragasa ng Petro Gazz sa kinamadang 16 points para sa 25-15, 20-25, 25-21, 25-20 win kontra PLDT Home Fibr sa Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference elims PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Martes ng gabi.

Kinapalooban ang hagupit ng 25-year-old, 6-foot-1 middle blocker ang pinalong 12 attacks at 4 blocks para ilagay ang Angels sa two-win streak at ibigay ang pangatlong panalo sa apat na salang.

Aktuwal na nanguna si Myla Pablo sa opensiba sa nilistang 24 markers habang si Kath Arado ang umangas sa depensa sa 23 digs upang ibaon ang Hitters sa 0-5.

Humirit ang PLDT sa second set, pero nanlupaypay pagsapit ng third at fourth at nasayang ang buong effort ni Isa Molde ng PLDT kinayod na 12 puntos. (Aivan Denzel Episcope)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID