WebClick Tracer

SPORTS

Meneses palaban sa kampeonato

TARGET magkampeon!

Ito ang minamata ni Marivic Velaine ‘Ria’ Meneses ng Petro Gazz nang amining todo kayod para sa korona.

Tiniyak ng 25-year-old, 6-foot-1 middle blocker na walang itatapon ang Angels bawa’t laro para sa pinapangarap na kampeonato.

“Kada game na hangga’t kaya namin lalaban talaga kami kasi gusto naming umabot ng championship,” pahayag Sabado ng dalagang balibolista.

Naglista ng kasaysayan noong Biyernbes sa 10-team professional women’s indoor league record ng 10 blocks kontra Perlas Spikers na kanila ring hinakbangan, 25-17, 25-18, 25-17.

Binura niya ang kanyang old mark na nine blocks noong Hulyo 18 sa pagrampa sa Black Mamba Philippine Army, 25-19, 22-25, 25-20, 25-21.

Hindi itinago ng volleybelle na produkto ng University of Santo Tomas na sobrang na-miss niya ang sport kaya nang mabigyan ng pagkakataong mag-ensayo ay todo-effort.

“Talagang kada training, focus lang kasi ang tagal naming nabakante so hinabol namin lahat ang nawala.” (Aivan Denzel Episcope)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID