WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Matteo bilib sa tapang ni Liza

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ni Matteo Guidicelli ang magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil sa kanyang podcast.

Naurot ni Matteo si Liza sa minsang isyu nang naipukol sa kanya sa pagiging palaban nito sa mga isyung panglipunan.

Matatandaan pa nga noong na-red tag ang aktres dahil sa pagiging vocal nito sa pagsasalita.

Ani Liza, bilang aktres daw at social media influencer, gusto lang daw niyang gamitin ang kanyang boses sa pagtatanggol sa nakikita niyang tama.

Sey naman ni Enrique, proud daw siya sa tapang at tatag ng kanyang girlfriend sa pagsasalita sa mga ganoong isyu.

Hirit naman ni Matteo, hinahangaan daw niya ang karakter ni Liza sa pagiging matapang sa pagsusulong ng women’s rights.

Gayunpaman, dapat din daw ay maging bukas ito sa panig ng iba.

Katunayan, ineengganyo pa ng actor si Liza na ipakilala sa mga babaeng militar na nakilala niya noong nagtre-training siya bilang reservist ng Armed Forces of the Philippines.