WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

4 mangingisda ‘di rebelde, binagyo lang – Pamalakaya

Nananawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na pakawalan ang apat na mangingisda na piniit sa Romblon noong Hunyo 2 matapos nilang sumilong nang manalanta ang Bagyong ‘Dante’.

Kinilala ng Pamalakaya ang apat bilang sina Nolan Ramos, Benny Hilamon, Marlon Angelo Torres, at Ma. Teresa Dioiquino na nangingisda nang abutan sila ng bagyo at napilitang sumilong sa pinakamalapit na isla para ayusin ang kanilang nasirang fishing boat.

Habang sumisilong ay pinuntahan umano sila ng pulis Concepcion at dinala sa evacuation center para sa ‘basic rescue protocol’. Sumakay din umano ang pulisya sa kanilang bangka nang walang arrest warrant at inaresto sila, Hunyo 3, sa bintang na illegal fishing at paglabag sa health protocols, na dinagdagan ng kasong illegal possession of firearms and explosives.

Ayon pa sa Pamalakaya, pinilit din ng local NTF-ELCAC ang mga mangingisda na sumuko bilang miyembro ng New People’s Army kung ayaw umano ng mga itong madagdagan ang kanilang kaso.

“Anong pumasok sa isip ng mga awtoridad para ang mga simpleng mangingisdang humanap ng masisilungan mula sa masamang panahon ay akusahang mga rebelde?” usisa ni Pamalakaya national chair Fernando Hicap.

“Nananawagan kami sa Commission on Human Rights (CHR) at sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao na samahan kami sa panawagang palayain ang apat na mangingisda sa Romblon at sa pagpapabasura ng mga gawa-gawang kaso laban sa kanila.” dagdag niya. (Eileen Mencias)