WebClick Tracer

METRO

Retiradong abogado nalunod sa 1 baldeng tubig

Nasawi ang isang senior citizen at retiradong abogado nang aksidenteng malunod sa isang timbang tubig sa loob ng banyo sa kanyang bahay sa Lipa City, Batangas nitong Lunes.

Laking gulat ng kanyang mga kasambahay nang madiskubre ang wala ng buhay na biktimang si Andres Octavio Macatangay, 80-anyos, na nakalubog ang ulo mula sa dibdib sa isang malaking timbang may tubig sa banyo ng kanyang bahay sa Sauz Subdivision, Brgy. Sabang, alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City police, batay na rin sa pahayag ng kanyang kapamilya, may kahinaan na ang katawan ng biktima at posibleng nawalan ito ng panimbang habang nasa loob ng banyo.

Natumba ito at napasuot ang ulo nito sa timba at hindi agad nakabangon dahilan para ito malunod.

Wala namang nakikitang foul- play ang pulisya sa pangyayari at pinaniniwlaang aksidente lamang ang insidente. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on