WebClick Tracer

METRO

5 bangka nasilat ng PH coast guard sa Cavite

LIMANG motorbanca ang kinumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil na rin sa ginagawa nilang illegal fishing sa may karagatan sa bahagi ng Cayogno at Paniman na matatagpuan sa Ternate Cavite.

Sa report, nakasakay ang 31 na mga mangingisda sa mga naturang banca.

Nilabag nila ang Municipal Ordinance No. 2, Series of 2011 kaugnay sa pangingisda na walang lisensya at permit.

Sinasabing gumamit rin ng air compressors ang mga ito sa kanilang pangingisda.

Lahat din ng gamit sa pangingisda ay kinumpiska habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Nanatili namang aktibo sa mga seaborne patrol para mapigilan ang iligal na pangingisda at iba pang aktibidad sa katubigan ang PCG Station Cavite, Coast Guard Intelligence Unit Cavite, Coast Guard Sub-Station Ternate, at Coast Guard Sub-Station Maragondon sa koordinasuon na rin ng mga munisipalidad ng Ternate. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on