WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Nadine inurot sa ‘honeymoon’

Hindi lang spotted, kundi fully documented ang alindog at kariktan ni Nadine Lustre na having the time of her life sa isang tourist destination na popular.

Siyempre pa, hindi nag-iisa ang babaing may lust sa kanyang apelyido dahil karay-karay niya ang kanyang tito-looking ka-close na male friend na marami ang nanalig na jowa na niya.

In fairness kay Ginoong Christophe Bariou, yayamanin ito at ayon sa kanyang social media accounts, co-owner of a resort sa nasabing island kaya hindi na kataka-kataka kung bakit nandoon sila.

Ang nakakatuwa sa French educated homme, eh hindi ito feeling celebrity. Sa isang clip kung saan pinagkakagulahan si Bb. Lustre, hindi talaga ito sumasama para mag-strike a pose and vogue kasama ang mga fan. Siya pa nga ang may suhestiyon na siya ang maga-administer ng photo opportunity.

Hindi rin makakaila na mas lalong naging all woman si Nadine sa piling ni Ginoong Christophe. Ang patotoo nito, ang mga fan niya na hindi mapigilang ibunghalit na ang ganda-ganda nito, mabait, hindi suplada at super accommodating na magpa-picture-picture.

Ang tanong at pang-uurot maituturing bang nasa getting to know you stage pa ang dalawa o ‘honeymoon’ na maituturing na ang kanilang rendevouz?

At ang pangalawang tanong, may kirot pa kayang nararamdaman ang best friend James Reid ni Lustre dahil sa bagong hombre sa buhay nito? At pangatlo, kailan nga kaya titili si Nadine na “Oo, kami na ni Christophe” para once and for all, matuldukan na ang mga haka-haka at ispekulasyon?

Rivera, Alonzo naudlot ang sabong

Marami ang natuwa sa virtual pagkikita ng dalawang Kapuso A-listers, sina Marian Rivera, mula sa House of Dantes, at si Bea Alonzo, na soon to be eh sa House Roque naman mapapasama.

Sa nasabing virtual pagtatagpo para sa isang pangmalakasang Beautederm kung saan brand ambassador dito ni Mrs. Jose Sixto Dantes III, inamin ni Alonzo na “kinikilig” siya sa kanilang pagtatagpo ng nag-iisang Kapuso Queen.

Siyempre pa, si Rivera, masaya na kahit sa virtual medium, ay nagkamustahan na sila ni Alonzo at umaasa ito na sa pinakamalapit na hinaharap, ay upclose at personal na ang kanilang moment.

“Pretty” ang post ni Bea para kay Marian sa kanyang IG account at si Rivera naman, ang tugon dito ay “see you soon” with a beso at heart emoticons.

Naku, ‘yung sinasabing magiging “magkaribal” sina Marian at Bea sa Timog network, parang hindi mangyayari dahil sa mga saksi sa virtual conference, dama at kita agad ang kanilang mutual fondness .More chancing of winning na maging mabuting magkaibigan ang dalawa.

Sa true lang, bongga pag naging mag-BFF sina Marian at Bea, hindi ba naman? At mas panalong-panalo kung pagsasamahin sila sa isang drama na sana sa pelikula at hindi pang-telebisyon. Dalawa pa naman sila sa mahuhusay na aktres sa kasalukuyang panahon kaya kaabang-abang na pagsasama kung mangyayari.

RR, Herras bagay sa sexy movie

Binitawan na ni seasoned entertainment journalist Ms. Lolit Solis ang pamamahala sa karera ni Mark Herras. Hinayaan na niya ang GMA Artist Center ang kumalinga at magmalasakit sa karera at sa buhay nito. Hinihimok rin ni Ms. Lolit na ‘yung mga artista, starlet man o sikat na nakikisimpatiya kay Herras eh matulungan nito ang dating promising studlet na maibalik ang kanyang bituin na hindi na nagniningning.

Ang number one supporter ni Herras ay si RR Enriquez. Talaga nga kayang may malasakit lang ito sa bad boy on the dance floor dati kaya ganun na lang ang pagtatanggol dito?

Panahon na nga ba for a career reinvention ni Mark Herras at si RR Enriquez ang dapat niyang makapareha sa isang sexy film?

Parang bagay kina Mark at RR ang maging millennial titillating king and queen, sa true lang!