WebClick Tracer

METRO

Dalaga tsugi sa gulong

Dead on the spot ang isang dalagang empleyado ng electronics company matapos siyang magulungan ng bus nang mabuwal ang kanyang motorsiklo sa Lipa City, Batangas, Martes ng umaga.

Grabeng pinsala sa ulo ang agarang ikinamatay ng biktimang si Joan Bautista, 22-anyos, residente ng Brgy. Talisay at empleyado ng Epson Precision Philippines Incorporated sa LIMA industrial park.

Batay sa report ng Lipa City Police, dakong alas-6:00, kamakalawa ng umaga, tinatahak ng biktima ang outer lane ng JP Laurel highway patungo sa direksiyon ng Lipa nang kumabig siya pakaliwa para umiwas sa nasa unahang sasakyan.

Nasabitan si Bautista ng unahang kanang bahagi ng kanyang kasabay na hindi natukoy na bus na noon ay nasa inner lane.

Nawalan ng panimbang ang dalaga at nabuwal ang motorsiklo subalit napasuot siya sa ilalim ng bus at nagulungan ang ulo ng hulihang gulong.

Hindi na huminto ang nakasagasang bus na ngayon ay tinutunton na ng mga awtoridad. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on