Inuga ng magnitude 4.9 na lindol ang Negros Occidental noong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naramdaman 55 kilometro northwest sa Sipalay City, Negros Occidental.
Sinabi ng ahensiya na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 18 kilometro.
Naitala ang Intensity 2 sa Bago City, at Intensity 1 sa La Carlota City, parehong sa Negros Occidental.
Wala namang naiulat na nasirang mga gusali at walang inaasahang aftershock pagkatapos ng lindol, ayon sa Phivolcs. (Allan Bergonia)