Binigyan ng Senado ng pinakamataas na parangal at ang apat na atletang Pinoy na nagwagi ng mga medalya sa nakarang buwang 2020+1 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Ginawaran ng Senate Medal of Excellence sina women’s weightlifting 55kg division gold gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists Nesthy Petecio (women’s boxing featherweight) at Carlo Paalam (men’s boxing flyweight), at bronze medal winner Eumir Marcial (men’s boxing middleweight).
Pinagkalooban din ng medalya si Philippine Olympic Committee president at Cavite 8th Dist. Rep. Abraham Tolentino sa paggabay sa mga atleta upang makamit ang makasaysayang unang gold ng bansa sa may 97 taon sa quadrennial sports conclave.
Ang parangal sa apat ay base sa inaprubahang panukala noong Agosto 24 na inihain nina Sens. Francis Tolentino, Juan Miguel Zubiri, at Juan Edgardo Angara. (Dindo Matining)