WebClick Tracer

NEWS

Palasyo `di isasalba OFW na sasabit sa droga

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte kapag may naarestong mga overseas Filipino worker (OFW) na sangkot sa iligal na droga.

“Kayong mga Pilipino, ‘pag nasabit kayo sa droga sa labas hindi ako makialam,” pahayag ng Pangulo sa kanyang pre-recorded `Talk to the People’ na inere nitong Miyerkoles.

Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagkakapatay ng apat na Chinese national sa isang anti-illegal drugs operation sa Zambales kung saan mahigit P3 bilyong shabu ang nasamsam.

“Even sabihin na i-execute na, hindi ako. Sabihin ko sa mga ambassador, you do your thinking, whatever you want to do. Pag-isipan ninyo, pero ako, ayaw ko talaga,” ani Pangulong Duterte. (Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on