Nakauwi na sa Pilipinas ang 353 overseas Filipino worker (OFW) mula Dubai sa pamamagitan ng special commercial flight.
Ayon sa isang ulat, binigyan din ng Cebu Pacific ang mga OFW ng meal at baggage allowance.
Anang budget carrier airlines, sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o ng Philippine Ports Authority (PPA) ang akomodasyon ng mga Pinoy sa quarantine hotel maging ang kanilang mga RT-PCR test.
Sa kasakuluyan, mula Hulyo ay mahigit 2,400 Pinoy na mula Middle East ang nakabalik sa ‘Pinas sa pamamagitan ng special commercial flights.
Nakatakda namang sunduin ng CebuPac sa Linggo ang 350 repatriated OFW mula Beirut at Bahrain. (Vienne Angeles)