Kilalang-kilala na sa kanyang hanay ang isang kilalang female personality bilang pekeng kaibigan. Sa harapan, ayon sa kanyang mga kasamahan, ay parang kakampi mo siya sa laban para hindi naman pala.
Sigurista ang female personality, kung sino ang kanyang kaharap ay kakampi niya, pero sa talikuran ay iba naman ang kanyang pinaggagagawa.
Kuwento ng aming source, “Bago pa ba naman ‘yun? E, kahit nu’ng nagsisimula pa lang siyang mag-artista, e, kilalang-kilala na siya sa pagiging pekeng kaibigan!
“Siya ang pinagsisimulan ng gulo, masyado kasi siyang daldakina, kung sino ang kaharap niya, e, ‘yun ang kakampi niya!” komento ng naiinis na impormante sa umpisa pa lang ng kuwento.
Bukod sa pagiging “fake friend” ng female personality ay masyado siyang maepal. Pasok siya nang pasok nang alanganin sa lahat ng isyu.
Sabi uli ng aming source, “Pero depende ‘yun sa personal interest niya, ha? Sigurista nga siya, e! Kung saan siya may makukuhang pabor, du’n siya!” madiin pang sabi ng aming source.
Marami nang personalidad ang nag-iingat ngayon sa kanya. Hindi na siya pinagsasabihan ng lihim ng kanyang mga kasamahang artista dahil mahirap na.
“E, kasi nga, magsasabi sila sa female personality ng something, pero wala pang ilang minuto, e, kakalat na agad ‘yun! Ganu’n siya katindi, walang off-the-record para sa kanya, gusto niyang kasali siya sa lahat ng issue!
“Minsan nga, e, napakatindi ng inis sa kanya ng isa niyang kaibigan nu’ng walang-wala pa siya. Tinatakbuhan niya ang taong ‘yun kapag napuputulan sila ng ilaw at tubig, kapag walang pangmatrikula ang mga anak niya!
“E, binash ng mga faney ang anak ng friend niya, pero hindi man lang niya nakayang ipagtanggol! ‘Yun ba ang tunay na kaibigan, magkaibigan lang kayo sa panahon ng pangangailangan?
“Ni hindi pinagbawalan ng female personality ang namba-bash sa anak ng friend kuno niya. natatakot siya, dahil baka naman silang mag-ina ang balikan ng mga bashers!
“Sabi nga ng mga kaibigan niya ang sarap-sarap daw tusukin ng aspile ang female personality na ito para lumabas ang lahat ng hangin sa katawan dahil sa kanyang kasyubaan!
“’Yun na! May iba pa ba? Aanhin mo ang mansiyon kung malaki namang ang iyong puson?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.
KC bistado ang hilig
Nakakatuwa ang kuwentong nakarating sa amin mula sa mga kaibigan naming matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika. Si KC Concepcion ang bumibida sa kanilang kuwento.
Isang gabi ay nakita nila ang magandang aktres sa isang 24-hour grocery store (Ralph’s), walang make-up si KC, naka-cap lang at simpleng t-shirt.
Medyo lumapit-lapit ang pamilya sa wet section ng malaking grocery store, gusto nilang patunayan kung ang panganay nga ni Sharon Cuneta ang kanilang nakikita nang malayuan o kahawig lang.
Kuwento ng aming kausap, “So, lumapit-lapit kami sa kanya, si KC nga! Ang apo ko ang unang bumati sa kanya, tiningnan niya ang apo ko, hinawakan niya sa ulo nang nakangiti.
“Binati niya kami, matagal na raw ba kaming nakatira sa States? Napaka-respectful niya, hindi siya suplada, mahilig nga pala siyang magluto dahil ang laman ng cart niya, e, puro ingredients sa mga lulutuin niyang food!” sabi pa ng aming kaibigan.
Tuwang-tuwa ang mag-anak, kasi raw ay anak nga si KC ng mother niya, magkaugali raw sina Sharon at KC na napaka-humble at nagbibigay-halaga sa kanilang mga fans at kababayan.
Nagkaroon na kasi ng karanasan ang pamilya ng aming kaibigan na hindi kagandahan tungkol sa isang female singer na binati nila pero hindi man lang sila pinansin nito.
“Tiningnan lang niya kami, ganu’n lang, then she walked away. Parang wala siyang pakialam, porke ba sumikat siya worldwide, e, ganu’n na lang ang gagawin niya sa mga kapwa Pilipinong nakakakita at bumabati sa kanya?” kuwento pa ng aming kaibigan.
Ahahay!