WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Tagumpay ng gobyerno sa Region IV-B dadaluhan ni Duterte

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bukas, Nov. 4, ang Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan o Mimaropa.

Ito ang tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kung saan personal aniyang pangangasiwaan ng Pangulo ang naisagawang matagumpay na kapayapaan at kaunlaran sa lugar.

Bilang dating alkalde, sinabi ni Esperon na alam ni Pangulong Duterte kung papaano pamahalaan ang lokal na pamahalaan at bilang tagasulong ng kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak din ng Pangulong Duterte ang lahat ng mga programang makakapagtaas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan.

Ito ay para na rin wakasan ang problema sa insureksiyon at pamemeste ng mga Communist Terrorists Group (CTG) sa mga kanayunan.

Sa usapin ng kapayapaan sa rehiyon, iniulat ni Esperon na napahina ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang guerilla front at paglansag ng isa pa, upang malinis ang mga lugar sa pamemeste ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Kasama ni Duterte, na chairman din ng itinatag niyang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pagbisita sina Palawan Gov. Jose Chavez Alvarez at Puerto Princess Mayor Lucilo R. Bayron. Gayundin ang iba pang matataas na opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang mga senior officer ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, at iba pang opisyales ng NTF-ELCAC at miyembro ng Regional Task Force-ELCAC.

Kasama rin dito ang ilang mambabatas at mga benipisariyo ng Barangay Development Program (BDP). (PNA)