WebClick Tracer

SPORTS

LA kinarir pagpana

IMBES na sa three-point line tumira ay asinta muna at ala-kupidong pumapana si PBA veteran LA Tenorio ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Sa Instagram post ni Tinyente ay abala ito sa pagpapana o archery.

“Blue Archer!” pasimpleng caption ni Barangay Ginebra star Tenorio.

Masisilayan ng mga fan ang buong bidyo ng pagpana niya sa YouTube vlog niyang D’ LaZY Road Trip.

Magugunitang huling lumaro si LA at ang Ginebra nitong 2021 PBA Philippine Cup ngunit minalas na malaglag sa quarterfinals kontra eventual champion TNT Tropang Giga.

Inaasahang lalarga muli si six-x PBA champ LA kasama ang koponang ‘Never Say Die’ sa darating na Governors Cup kung saan sila ang defending champion.

Makakapiling muli ng Gin Kings din ang matagal na nilang inaasam na pagbabalik ni Justin Brownlee bilang import. (Aivan Episcope)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID