WebClick Tracer

SPORTS

Malixi, 5 pa kakasa sa Dubai

Pangungunahan ni Rianne Mikhaela Malixi ang five-player national women’s golf team na sasabak sa 4th Women’s Amateur Asia-Pacific Championship sa Abu Dhabi Golf Club sa United Arab Emirates sa Nov. 10-13.

Ang magkakampeon sa 80-golfer, 4-day event ang iimbitahang maglaro sa dalawang major championship ng Ladies Professional Golf Association Tour – ang AIG Women’s Open at Evian Championship, gayundin sa Augusta National Women’s Amateur sa US.

Kagagaling lang ng 14-year-old Pinay rising star na nagsimulang pumalo sa walong taon-gulang pa lang at kinakalinga ng ICTSI, sa ilang mahihirap na paligsahan sa stroke at match play sa patapos na season, tampok ang pag-abot sa Last 8 ng 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 14th & last leg $50K PXG Women’s Match Play Championship sa Jacksonville, Florida sa nakaraang linggo.

Ang iba pang bet ng ‘Pinas ay sina world No. 107, Lois Kaye Go, Nicole Abelar, Sofia Chabon, Mikhaela Denise Fortuna at Bernice Olivares-Ilas. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID