Dahil sa medical emergency ni Jennylyn Mercado, na-shelve ang taping ng “Love. Die. Repeat” na pinagtatambalan nila ng Viva artist na si Xian Lim.
Dahil na rin marahil naisip ng mga ehekutibo ng Kapuso network na matetengga si Xian for several months, unfair naman na mag-suffer siya sa paghihintay sa availability ni Jen.
Kaya heto, sa isang Kapuso portal, may ibinalitang may may upcoming show siyang gagawin na makakatambal si Glaiza de Castro.
Kung tutuusin, it’s a fresh combination to watch out for lalo pa’t pareho namang nag-Cinemalaya na ang dalawang aktor.
Tulad ng Love. Repeat. Die nina Jennylyn at Xian, catchy din ang title nito: “False Positive.”
Nakatakda raw magsimula ang quarantine ng cast ng naturang romantic comedy mini-series sa huling linggo ng Nobyembre.
Sana naman ay huwag nang magkaroon ng aberya ito, lalo pa’t mag-iisang taon nang engaged si Glaiza sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey. Harinawaý huwag ding magkaroon ng pregnancy issue.
Lloydie bet guluhin sina Bea, Alden
Sa grand welcome sa kanya ng Kapuso network, inamin ni John Lloyd Cruz na marami siyang Kapuso artists na gustong makatrabaho.
Elated din siya sa naging welcome sa kanya ng kanyang favorite leading lady na si Bea Alonzo na nasa GMA-7 na rin ngayon.
Nang mahingan siya ng mensahe kung sino-sino ang bet niyang makatrabaho sa nasabing istasyon, sinabi niyang nami-miss na niyang muling maka-work si Bea.
“Madami. A lot of them. Some of them nakatrabaho ko before and I’m hoping na mabigyan kami ng opportunity na magkasama ulit. I’m really looking forward to work with all of them,” ani John Lloyd.
Bukod kay Bea, special mention din sa kanya ang pangalan ni Alden Richards na noon pa raw niya gustong makasama sa isang proyekto.
“Si Alden ang tagal ko nang…ang tagal na naming naghahangad magkaroon ng (project together), magkatrabaho,” pahayag niya.
“Si Bea, being here in GMA, alam ko na may ilang projects sila na naka-line up, silang dalawa ni Alden, and gusto kong makigulo doon,” sey niya.
Wish din niya na makatrabaho ang DongYan couple kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon.
“ Marian and Dingdong. Sana mabigyan kami, sana mag-align ’yong mga stars namin, mag-align ’yong mga schedule namin,” hirit ni Lloydie.
May mga showbiz observers namang nang-uurot kung ano raw kaya ang magiging papel ni John Lloyd kung sakaling makakatrabaho niya ang Dongyan? Pati na rin si Alden considering na ang mga gusto niyang maka-work ay homegrown talents ng Siyete.
Vice pikon
Umani ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang naging mensahe ni Vice Ganda na na-upload sa #factcheck#foryou videos sa Tiktok.
Habang bumibiyahe, nakatikim ng sarkasmo ang kanyang bashers lalo na doon sa mga bumabatikos sa relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez.
May mga nakakaunawa naman sa pinagmumulan ng mga hugot niya pero marami rin naman ang na-turn off sa panunuya niya sa kanyang pananalita.
Halata rin daw na bukod sa pikon ay patola raw pala ang “It’s Showtime” host.
Ito naman ang ilang komento ng mga netizen:
“Ay, sobrang pikon pala siya. Pero ang harsh ng banat niya. Grabe.”
“Tama naman siya. Nakatikim ang bashers na inggit sa kanya.”
“Ang yabang naman niya. Sana dedma na lang siya sa bashers niya dahil lumalabas lang na sobra siyang affected.”