WebClick Tracer

NEWS

21 website suka ng P1B sa mga piniratang ABS-CBN show

Inutusan ng korte sa Estados Unidos ang 21 website na pumipirata ng mga palabas ng ABS-CBN Corp. na bayaran ang media entertainment company ng tig $1 milyon o katumbas ng higit P1B.

Pinapalabas ng mga website ang shows ng ABS-CBN ng libre sa Estados Unidos at iba pang mga bansang maraming Pinoy.

Bukod sa $1 milyon damage na babayaran, anim sa mga website ang inutusang magbayad ng $30,000 hanggang $90,000 dahil sa copyright infringement at ang thefilipinochannel.su ay inutusang pang bayaran ang ABS-CBN ng karagdagang $10,000 dahil sa cybersquatting sapagkat ang domain name na ginagamit nito ay halos katulad ng rehistradong trademark ng ABS-CBN.

Kahit hind i matukoy ang pagkakakilanlan ng mga may-ari ng piniratang domain operators, masisingil pa rin sila dahil kasama sa kautusan na kuhanin ang mga kinikita nitong bayad sa advertising na nasakop na ng naunang temporary res­training order.

Inutusan na rin ang mga piniratang site na ibigay ang domain names sa ABS-CBN para hindi na ito magagamit.

Kung hindi sumunod ang mga may hawak ng domain, maaaring iakyat ng ABS-CBN sa controlling registry na uutusan naman itong kunin ang websites at tanggalin ang mga ito.

Sabi ng ABS-CBN, 18 sa mga domain ay natanggal na. (Eileen Mencias)