WebClick Tracer

NEWS

Mga kandidatong sangkot sa EJK ‘wag iboto – De Lima

Binalaan ni Senador Leila de Lima ang mga botanteng Pinoy na huwag iboto ang mga kandidatong responsable sa ‘state-sponsored’ na pagpatay at iba pang krimen sa bansa.

Sabi ng mambabatas, malaking pagkakamali kung ihahalal ang mga opisyal na sangkot sa mga pagpatay, at walang konsensiya.

“Kailangan nang maka-move on ng ating bayan mula sa mapang-abusong Chief Executive na noon ay nakamit ang boto ng mamamayan sa pamamagitan ng mga matatamis na pangakong ngayon ay pakong-pako na,” sabi ni De Lima.

“Let this breed of outgoing leaders proceed to be ex-leaders, along with their penchant for extrajudicial killings and of accumulating ill-gotten gains at the expense of our people’s continued suffering,” dagdag niya. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID