WebClick Tracer

NEWS

Quarantine sa mga bakunadong OFW 3 araw na lang

Inanunsiyo ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pinaiksi na ang hotel quarantine para sa mga fully vaccinated na kababayan galing sa ibang bansa, kabilang ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Ito’y para sa mga manggagaling sa bansang nasa yellow list o moderate risk sa COVID-19.

Aniya, mula sa limang araw ay pinaiksi na lamang ang hotel quarantine ng hanggang tatlong araw umpisa sa Nobyembre 22.

Sinabi ni Puyat na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang gumawa ng desisyon.

Ang mga ganap nang nabakunahan ay kailangang magkaroon ng swab test 72 oras bago sila umalis sa kanilang mga pinanggalingang bansa.

Matapos ang negatibong pagsusuri mula sa pre-departure testing na isinagawa sa mga “yellow” country, ang mga Pinoy na bumalik ay kinakailangang sumailalim sa tatlong araw na quarantine sa mga hotel. Sasailalim uli sila ng swab test sa ikatlong araw.

Palalabasin sila pagkatapos ng negatibong pagsusuri ngunit hinihikayat na kumpletuhin ang pagsubaybay sa sarili hanggang sa ika-14 na araw mula sa kanilang pagdating sa bansa.

Sa kabilang banda, ang mga indibiduwal na ganap nang bakunado na walang pre-departue testing ay dadaan sa quarantine facility hanggang sa ikalimang araw. Pagkatapos ng negatibong pagsusuri, ang indibiduwal ay lalabas sa pasilidad ngunit kinakailangang sumailalim sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw.(Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on