WebClick Tracer

NEWS

Pag-atras ni Go larong politika

Malinaw umanong larong politika ni Pangulong Duterte ang pag-atras ni Senador Bong Go sa presidential race.

Ayon ito kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate matapos na iatras ni Go ang kanyang pagtakbong pangulo sa 2022 elections.

“Sen. Go’s withdrawal is not totally unexpected in the political playbook of President Duterte,” ayon kay Zarate.

Malinaw naman umanong ginamit ng Pangulo si Go bilang kasangkapan upang makakuha ng pabor partikular ng proteksiyon oras na matapos na ang kanyang termino mula sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos at lalo umano ngayon na isa na itong lameduck president. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID