WebClick Tracer

Monday, September 26, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Gretchen tuloy ang pag-aaral sa Harvard

Tuloy na sa pagpasok sa prestihiyosong Harvard University ang dating volleyball star na si Gretchen Ho.

Dalawang taon na ang nakalipas nang matanggap siya sa Harvard Business School pero dahil sa coronavirus pandemic, napigil ang pagtungo niya sa nasabing unibersidad na matatagpuan sa Massachusetts.

Natanggap si Ho sa isang short course sa “The Business of Entertainment, Media & Sports”.

“Ready for school,” sambit ni Ho sa Instagram post.

Noong January 2020 lagpas ulo ang kilig ni Ho nang ibalitang natanggap siya sa Harvard Business School.

Ilan daw kasi sa nag-aral ng short course niya sa The Business of Entertainment, Media & Sports ay sina NBA stars Dwyane Wade, Chris Bosh at Channing Tatum.(Issa Santiago)