WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ellen: Derek mas gwaping sa mga bagets

Sa kaarawan ng asawang si Derek Ramsay, ipinagmalaki ni Ellen na kahit 45-anyos na ang kanyang asawa ay mas pogi pa ito sa mga lalaking ang edad ay kalahati lang ng sa aktor.

“Happy 45th My Love, you look so much better than some men half your age so dont stress my GOR,” saad ni Ellen sa kanyang Instagram post.

Ang naturang post ni Ellen ay bilang pagbati sa ika-45 kaarawan ni Derek nu’ng Martes.

Sa isang post, isa pang sweet message ang ipinabatid ng aktress sa bagong asawa.

‘You make my mornings more beautiful,” saad ni Ellen sa post. “I love you forever Gor, Husband Birthday Dump,” dagdag pa niya.

Sina Ellen at Derek ay ikinasal noong nakaraang buwan.