NCR mababa na panganib sa virus

Mababa na ang panganib ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19, kung saan 91 kaso na lang nito ang naitatala kada araw mula Disyembre 6 hanggang Disyembre 12 ngayong taon, ayon sa OCTA Research Group.

Nagpaputok sa inuman, 2 kelot binitbit

Kulungan ang kinabagsakan ng dalawang lalaki matapos silang mahuli na may bitbit na mga baril habang nakikipag-inuman sa Brgy. Pussuac, Sto. Domingo, Ilocos Sur noong Linggo.

Lolo nasukol sa Cavite buy-bust

Tinatayang mahigit sa P.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa isang 60-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, Linggo ng gabi.

Sumaklolo sa nalulunod, todas

Nasawi ang isang lalaki na siyang nalunod matapos niyang tangkaing sagipin ang isa namang babae na nalulunod din sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas, Linggo ng tanghali.

Sinita 7 senglot, pulis sinapak

Sugatan ang isang lalaki matapos na makaganti ng putok nang sapakin at tangkaing barilin ang isang pulis Maynila na rumesponde para awatin ang nauna at 6 pa niyang kasama na sinasabing lumilikha ng kaguluhan habang nag-iinuman, Linggo ng gabi, sa Tondo, Maynila.

11-anyos iniwan sa haybol, nasunog

Hindi na nasagip pa ang isang 11-anyos na babae matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay, habang isang 8-buwang sanggol naman ang muntik nang matusta sa parehong insidente, Lunes ng tanghali sa Taguig City.