WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

BOC nilangaw pa-bidding sa 5 smuggled car

Nilangaw ang bidding ng limang smuggled car na isinagawa kahapon ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang dalawa pang ahensiya kung saan umasa silang kumita ng P29 milyon man lamang.

Kasama ng BOC sa pa-bidding ng mga puslit na sasakyan ang Bureau of the Treasury at Land Bank of the Philippines.

Sabi ni BOC Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, maghahanda sila para muling magpa-bidding at susuriin muli ang presyo ng mga sasakyan.

Ang pinakamahal sa pina-bidding kahapon ay ang 2008 model ng Ferrari Scuderia 430 na nilagyan ng inter-agency auction committee ng minimum bid price na P23.2 milyon.

Ang sunod na pinakamahal ay ang 2001 Porsche Boxster na ang floor price ay P1.8 milyon. Pangatlo sa pinakamahal ang 2011 Mercedes E220 na may floor price na P1.49 milyon.

May pina-bidding din na 2001 Mercedes SLK 55 na nagkakahalaga ng P1.3 milyon at ang pinakamura ay ang 2001 Mercedes SLK 350 na P1.25 milyon.

Ngayon lamang uli nagpa-bidding ng mga smuggled luxury vehicle ang BOC.

Noong Pebrero, 10 sasakyan ang pinasira ng BOC kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng ahensiya. (Eileen Mencias)