WebClick Tracer

SPORTS

Harris, Hotshots babangga sa Dyip

Bibinyagan ng 1-1 Terrafirma ang Magnolia sa unang sultada ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum makalipas ang 19 na buwan.

Nabakante ang Big Dome dahil sa pandemic, huling nag-ingay noong March 2020 bago nanalasa ang Covid-19.

Sa likod nina Aldrech Ramos, import Antonio Hester at new acquisition Alex Cabagnot sinagasaan ng Dyip ang Rain or Shine 112-106 sa overtime Sabado ng gabi.

“Maganda naman naging performance namin so far,” ani Cabagie, tumapos ng near triple-double na 15 points, 8 rebounds at 11 assists.

Pumasada ng game-high 40 pts., 7 rebs. at 11 asts. si Antonio Hester.

Ipaparada ng Hotshots si Mike Harris katuwang sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang at Calvin Abueva.

Sasagupain din ni 6-foot-10 center James Laput ang dating team na kumuha sa kanya bilang eighth pick overall noong March. Mula Dyip, nakuha ng Magnolia si Laput kapalit nina Justin Melton at Pascual. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID