WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

P15M ecstasy natisod sa NAIA bodega

Umabot sa mahigit P15.5 milyong halaga ng ecstasy tablets ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes.

Sa inisyal na ulat mula sa BOC-IADITG, ang ilegal na droga ay dumating kahapon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse, sa may Domestic Road, Pasay City at ito ay nasa ilalim ng tatlong airway bill.

Nabatid na nakita sa tatlong inbound parcels ang may 9,160 pirasong ecstasy tablet na may street value na umaabot sa P15,572,000 sa isinagawang interdiction operations ng mga tauhan ng BOC-NAIA.

Ang tatlong airway bill na idineklarang “gift” ay ipinadala ni Victor Martis ng Soudenleeuw 401 1103 B.G., The Netherlands at ito ay naka-consign kay Nikki Deximo ng Tierra Bonita 1 sa Dasmariñas, Cavite. (Otto Osorio)