WebClick Tracer

Sunday, September 25, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Tonite VISAYAS / MINDANAO

P300M puslit na yosi winasak

Sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles ang nasa P300 milyon halaga ng nakumpiskang smuggled na sigarilyo na nasabat mula Mayo hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon sa ulat, nasa 8,250 kahon ng smuggled yosi ang sinira sa pamamagitan ng pagbasa dito ng tubig na galing sa dalawang fire truck.

“These are seized smuggled cigarettes in separate anti-smuggling operations in Zamboanga Peninsula and Basilan, Sulu and Tawi Tawi (Basulta) from May to November this year,” ani BOC district collector Atty. Segundo Sigmundfreud Barte Jr.

Hindi umano nakalusot ang mga kontrabando kahit pa gumamit ng iba’t ibang istilo ang mga smuggler gaya ng pagtatago sa mga ito kasama ng isda at pagkain.

Ang mga brand umano ng smuggled na sigarilyo ay Arthur Green, Arthur Red, Forth at Astro, na ibinebenta sa Mindanao mula P20 hanggang P30 kada kaha, na malayo ang presyo sa mga legal na ibinebentang sigarilyo, na mula P50 hanggang P80 ang presyo. (Joven Delantar)