WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Mika tukso sa mga Adan

NI:NONIE NICASIO

Nakakagigil ang pasampol ng alindog ni Mika Salamanca na makikita sa kanyang Instagram account.

Dito’y mabibistahan siya na animo’y ipini-flex ang kanyang sexy body. Lalong lumutang ang kanyang hotness sa suot na sexy swimsuit.

Bukod sa kanyang ganda, katakam-takam ang kurbada ng kanyang katawan. Panlaban din ang wow na legs ni Mika, pati na ang kanyang mayamang dibdib. Ang babaeng tulad niya ay tukso sa mga Adan.

Siya ay isang model, singer, vlogger, social media influencer, at YouTuber. Si Mika ay mayroong higit 4 million subscribers sa kanyang self-titled YouTube channel.

Siksik sa pampagana sa mga kalalakihan ang hatid niya. Iba ang epekto sa mga boylet ng ganitong alindog. Sadyang umaapaw sa sex appeal si Mika.

Walang boys ang hindi matatakam kapag nasilip ang kanyang itinatagong kariktan. Mapang-akit at nakapag-iinit ng laman ang dalaga, saan mang anggulo bistahan.

Tiyak na busog na busog ang libido ng maraming member ng opposite sex sa espesyal na patikim ni Mika.